Nakahanda na ang mga kapulisan ng Police Regional Office 5 upang umalalay at tumugon sa tatlong araw na Transport Strike ng grupong PISTON.
Tinatayang nasa 2,505 na mga tauhan ng PRO 5 ang naka-deploy ngayong araw ng Abril 30, 2024 sa buong rehiyon. Bukod dito, mayroon ding 121 na mga sasakyan ang naka-stand by para magsagawa ng Libreng Sakay.
Sa nasabing bilang, 18 dito ay sa Albay; 12 sa Camarines Norte, 36 sa Camarines Sur, 11 sa Catanduanes, 21 sa Masbate, 15 sa Sorsogon, anim sa Naga City, isa mula sa Regional Mobile Force Battalion at isa mula Regional Headquarters.

Layunin nitong matiyak ang seguridad ng publiko at kaayusan sa kalsada. Ang mga naka-deploy namang mga tauhan ng PRO 5 ay inatasan bilang CDM Contingents, Drone Operators, Police Visibility, Patrol Units (Mobile, Motorcycle, Foot), Traffic Assistance, Checkpoint/Border Control Point Operations, at RSSF.
Tiniyak ng PRO 5 na patuloy ang kanilang pag-alalay sa mga Bicolano upang makamit ang mapayapa at maayos na komunidad.
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia