Nakahanda na ang Police Regional Office 5 sa darating na Semana Santa at Summer Vacation para sa pagtitiyak ng seguridad sa buong rehiyon ng Bicol ngayong 2024.
Ipapakalat ng PNP Bicol ang kanilang mga tauhan lalo na sa mga matataong lugar.
Pangunahing tututukan ng pulisya ang pag-inspeksyon sa mga matataong lugar tulad ng bus terminal, pantalan, paliparan at iba pang pampublikong terminal at transportasyon.

Maglalatag din ng mga police assistance desks na handang umalalay at gumabay sa mamamayan. Paiigtingin din ang anti-criminality operations para maiwasan ang mga insidente ng pagnanakaw o akyat bahay, at iba pang krimen.
Katuwang ng PNP Bicol sa pagpapatupad ng Oplan Ligtas SumVac ang Local Government Units at ang Department of Tourism (DOT).
Source: PNP Kasurog Bicol
Panulat ni Pat Rodel Grecia