PNP, BFP, at MDRRMO, magkatuwang na rumesponde sa aksidentang naganap sa intersection ng TPLEX at National Highway sa Pangasinan

0
256

Magkatuwang na rumesponde ang PNP Sison, BFP Sison, at MDRRMO sa aksidenteng naganap sa intersection ng TPLEX at National Highway sa Barangay Cauringan, Sison, Pangasinan kahapon ng umaga, Marso 7, 2026, na kinasasangkutan ng isang pampasaherong bus, kotse, at trak.

Matapos madala sa ospital ang mga nasugatan at matiyak na ligtas ang mga pasahero ng pampasaherong sasakyan, agad nagsagawa ng paglilinis sa kalsada ang kapulisan ng Sison MPS kasama ang mga tauhan ng BFP-Sison upang maiwasan ang anumang karagdagang disgrasya na maaaring idulot ng mga nagkalat na debris sa nasabing lansangan.

Paalala sa publiko, lalo na sa ating mga biyahero, ugaliing magmaneho nang may ibayong pag-iingat at sundin ang mga batas trapiko sa lahat ng oras upang makaiwas sa anumang aksidente at mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa lansangan.

Source: PRO 1 / https://www.facebook.com/share/p/1CTpM3DkzX/

Leave a Reply