Nagkaisa ang 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Tanudan Municipal Police Station, at Balbalan Municipal Police Station sa pag-aalis ng mga pinsalang dulot ng bagyong Nika sa Tabuk-Bontoc Road nito lamang Nobyembre 11, 2024.
Ayon Kay Police Colonel Gilbert A Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, matapos ang matinding pag-ulan, mabilis na nagsagawa ang mga operatiba ng road monitoring at clearing operations sa mga apektadong bahagi ng kalsada, partikular sa Pingao, Cagaluan, Balbalan at Tanudan.
Nakahadlang sa daloy ng trapiko ang mga nagkalat na bato, putik, at mga labi ng mga nasirang puno at poste.
Sa pamamagitan ng coordinated effort kasama ang mga lokal na opisyal, mga volunteer, at mga residente, mabilis na naalis ang mga debris at naayos ang mga bahagi ng kalsada na naapektuhan ng pagguho ng lupa.
Dahil sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagkilos, naibalik ang normal na daloy ng trapiko sa loob ng apat na oras, na nagbigay-daan sa mga residente na muling makagamit ng kalsada at sa mga negosyo na muling makapag-operate.
Ang kanilang walang sawang pagsisikap ay isang malaking tulong sa mga apektadong komunidad.
Upang maiwasan ang mga aksidente, isinasagawa ang regular na pag-iinspeksyon at pag-aayos ng mga kalsada. Pinapatawag din ng atensyon ang mga motorista na sumunod sa mga speed limits at isinasagawa ang regular na pagsubaybay sa bilis ng mga sasakyan sa tulong ng PNP.
Panulat ni Patrolwoman Charlyn Rose Gumangan