Davao Occidental – Mabilis na tinugunan ng Sta. Maria PNP ang isang tawag mula sa isang concerned citizen dahil sa nangyaring sunog sa isang lantsa sa Barangay San Agustin, Sta Maria, Davao Occidental nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.
Pinangunahan ni PMaj Kirby Badiles, Chief of Police ng Sta Maria MPS ang pagresponde sa naturang ulat kasama ang mga personnel mula sa Bureau of Fire Protection.
Narekober naman dito ang isang bote ng mineral water at dalawang bote ng Gatorade na naglalaman ng gasolina at isang gallon ng coolant.
Ayon sa nakalap na impormasyon, hindi totoong sinunog ang naturang lantsa at taliwas ito sa mga balitang kumakalat sa social media na sinunog ito, wala namang naiulat na sirang bahagi sa lantsa.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP katuwang ang PNP sa posibleng motibo ng insidente.
###
Panulat ni Police Corporal RC Ortenero