Aktibong nakilahok ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 3 sa isinagawang Bloodletting Activity na pinangunahan ng KidsCancervive na ginanap sa Green City Medical Center, City of San Fernando, Pampanga nito lamang ika-12 ng Pebrero 2024.

Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Alex M Apolonio, Officer-In-Charge ng RPCADU 3, ang nasabing aktibidad kasama ang ibang miiyembro ng Police Regional Office 3, mga tauhan ng Philippine Air Force, Force Multipliers at mga sibilyan.
Ang bloodletting activity ay inorganisa ng KidsCancervive Inc. sa pamumuno ni Mary Ann M. Tan, Coordinator, kung saan ang mga batang cancer patient ang magsisilbing benepisyaryo ng mga nakalap na dugo.

Kasama rin sa nagdonate ng dugo ang mga volunteer ng KidsCancervive na pawang may mga kapamilya at kamag-anak na cancer patient na dumaan sa masusing pagsusuri upang masiguro na sila ay nasa maayos na kalagayan bago magdonate ng dugo.
Layunin ng programang ito na makapagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan ng dugo lalo na sa mga batang may malubhang karamdaman.
Patuloy ang PNP sa paghahatid ng serbisyo at pakikibahagi sa iba’t ibang programa ng ating pamahalaan lalo na sa sektor ng kalusugan upang lahat ay mabigyan ng pag-asang mamuhay ng malusog at malakas.
Panulat ni Pat Jilly A Peña