Walang humpay ang pagsupil sa mga police scalawags ni Police Major General Anthony A Aberin, Regional Director ng National Capital Region Police Office, at agarang sinibak ang pitong ParaƱaque pulis matapos na-flag-down ang isang Chinese National malapit sa isang hotel sa Barangay Don Galo, ParaƱaque City nito lamang Abril 24, 2025.
Ayon kay PMGen Aberin, naisampa na ang pormal na reklamo laban sa pitong pulis ParaƱaque na naka-destino sa Sto. NiƱo Police Substation 3, habang isang pulis ang pinaghahanap.
Nabatid na nagsagawa ng checkpoint ang walong pulis nang na-flag-down ang isang Chinese National, 25 anyos at isang businessman.
Sa kabila ng pagpapakita ng kanyang mga dokumento ng sasakyan, inakusahan ng mga pulis ng pagkakaroon ng mga pekeng papeles at dinala ang biktima, kasama ang kanyang sasakyan sa Sto. NiƱo Police Substation 3.
Lumabas sa imbestigasyon ng ParaƱaque City Police Station na may pagkukulang at paglabag sa protocol na humantong sa pag-aresto at pagsampa sa kasong robbery-extortion laban sa walong pulis.
āAlinsunod sa utos ng ating Chief, PNP na si Police General Rommel Francisco D Marbil, walang pulis scalawag ang palalampasin. Lahat ay huhulihin, sasampahan ng kaso at tatanggalin sa serbisyo, batay sa ebidensya at tamang proseso. Ngayon na ang panahon ng pagbabago. Huwag ninyo akung subukan.ā mariing pahayag ni RD Aberin.