Friday, November 29, 2024

PLtGen Danao, Jr.: Generally Peaceful NLE 2022

Camp Crame, Quezon City – Inanunsyo ni Police Lieutenant General Vicente D. Danao, Jr., Officer-in-Charge, Philippine National Police ang pagtatapos ng botohan sa National and Local Elections 2022 (NLE 2022) kahapon, Mayo 9, bilang isang mapayapa at maayos na eleksyon sa isang isinagawang press briefing ngayong araw ng Martes, ika-10 ng Mayo 2022.

Tiniyak ni OIC, PNP sa kanyang pahayag na mananatili at handa pa rin sa kani-kanilang polling areas ang security forces na binubuo ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Philippine Coast Guard (PCG) hangga’t kinakailangan [sila] bilang law enforcement arms ng Commission on Elections (COMELEC).

Kaugnay naman sa naitalang insidente ng kriminalidad sa buong bansa sa araw ng eleksyon, batay sa datos ng nakalap ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP, 52 krimen ang naitala ng PNP sa mismong araw ng eleksyon na kung saan ay tanging apat lamang dito ang Election-Related Incidents (ERI).

Sa kabuuan, ayon sa datos ng PNP, may 16 na bilang ng ERI ang naitala sa buong panahon ng eleksyon na ayon kay PLtGen Danao, Jr. ay masasabing mapayapa at maayos kung ihahalintulad sa ERI na naitala noong 2019 Midterm Elections na may 60 na ERI at 133 naman noong 2012 NLE.

Samantala, umaasa naman ang heneral na pananatilihin ng mga botante ang kahinahunan sa pagpapayahag ng kanilang damdamin hinggil sa resulta ng kasalukuyang bilangan ng boto kaugnay sa kumakalat na pag-oorganisa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng COMELEC.

Dagdag pa nito, “karapatan nila ‘yan… Hindi namin kayo pipigilan diyan.”

Subalit, paalala niya sa lahat na ang Pambansang Pulisya ay nariyan kung sakaling magdulot ang kilos protesta ng pananakit sa kapwa, pagdulot ng pagsikip o pagtigil ng trapiko o kaya naman ay paninira ng pribado o pampublikong ari-arian.

Tugon pa niya na may nakahandang contingency plan ang PNP kasama ang AFP at PCG sa mga posibleng maganap na post-election incidents sa darating na mga oras.

Sa kabilang banda, kinilala at pinasalamatan din ni PLtGen Danao, Jr. ang lahat ng law enforcement agencies na kinabibilangan ng PNP, AFP at PCG sa pagpapanatili ng isang mapayapa at ligtas na pagsasagawa ng napakahalagang demokratikong pagkilos ng bawat isa tungo sa isang mapagkakatiwalaang pamahalaan.

###

Panulat ni Pat Noel S Lopez

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles