Bukidnon – Isinagawa ng Malaybalay City PNP ang mas pina-igting na police visibility sa iba’t ibang parte ng kanilang nasasakupan nito lamang 6:00 ng umaga ng Mayo 9, 2023.
Ito ay bilang tugon ni Police Lieutenant Colonel Julius Clark Prisco Macariola IV, Officer-In-Charge ng Malaybalay City Police Station, sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan kaagapay ang mga Criminology intern students.
Patuloy ang pagbisita ng Malaybalay City PNP sa mga commercial at residential establishments, mga pampublikong terminal, palengke at paaralan upang mas maramdaman ng mga mamamayan ang presensya ng ating pulisya at maiwasan ang anumang uri ng kriminalidad, terorismo at insurhensiya.
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz