Nasabat ang tinatayang Php9 milyong halaga ng assorted smuggled cigarettes na nagresulta sa pagkakadakip ng isang driver sa Barangay Katubao, Kiamba, Sarangani Province nito lamang ika-23 ng Enero, 2025.
Ayon kay Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Officer-In-Charge ng Police Regional Office 12, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng 2nd Sarangani Provincial Mobile Force Company, Kiamba MPS, Regional Intelligence Division at Bureau of Customs.
Kinilala ang suspek na si alyas “Aga” nasa wastong gulang, may asawa, isang driver at residente ng Barangay San Jose, Digos City, Davao del Sur.
Lulan ng 10-wheeler dump truck kulay Maroon na may Plate No. WQV 392 ang mga assorted smuggled cigarettes na tinatayang aabot sa 172 kahon at tinatayang nagkakahalaga ng Php9,236,400.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10643 “Graphic Health Warning Law”, RA 10845 o “Anti-Smuggling Act” and RA 12022 o “Anti-Agricultural Economic Sabotage Act”.
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.