Sunday, September 22, 2024

Php960K halaga ng “Marijuana” nasamsam sa buy-bust ng Valenzuela PNP; HVI timbog

Valenzuela City — Tinatayang Php960,000 halaga ng marijuana ang nasamsam sa isang High Value Individual sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Valenzuela City Police Station nito lamang Sabado, ika-15 ng Abril 2023.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director, Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, ang suspek na si alyas “Jao”, HVI, binata, 26, online agent at kasalukuyang naninirahan sa No. 168 Esteban Street, Brgy. Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr, naganap ang operasyon bandang 1:10 ng madaling araw sa harap ng Dalandanan covered court, San Simon St., Brgy. Dalandanan, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakadakip kay alyas “Jao”   ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng nasabing istasyon.

Nasamsam sa suspek ang walong transparent na plastic-wrapped brick ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng Php960,000: isang tunay na Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money na may kasamang Php1,000 na boodle money; isang unit ng cellphone (Nokia Keypad); isang piraso ng kulay khaki duffle bag; at isang pirasong kulay brown na paper bag.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.

Tulong-tulong ang kapulisan ng Northern Metro sa pangangampanya sa pagsugpo sa mga indibidwal na patuloy na gumagamit at nagbebenta ng mga ilegal na droga para maging ligtas at maayos ang kanilang nasasakupang lugar.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,260SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles