Tinatayang Php960,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Batangan, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang ika-7 ng Oktubre 2024.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga pulisya at PDEA sa pangunguna ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang Provincial Intelligence Unit/Provincial Drug Enforcement Unit Benguet Police Provincial Office; Regional Intelligence Division, PRO-CAR; Philippine Drug Enforcement Agency –Cordillera Administrative Region; Provincial Intelligence Team Benguet, Regional Intelligence Unit-14; at Land Transport Interdiction Unit-Philippine Drug Enforcement Agency Cordillera.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng dalawang plantasyon ng marijuana na may tinatayang sukat na 800 square meters at may nakatanim na mahigit kumulanG 4,800 pirasong Fully Grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php960,000 Standard Drug Price.
Bagama’t walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Ang matagumpay na operasyon ng Benguet at PDEA ay patunay na kaisa sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga bilang pagsuporta sa adhikain ng administrasyon para sa isang mas mapayapang Bagong Pilipinas.