Nasakote ng pulisya ang isang High Value Individual na suspek matapos mahulihan ng Php952,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Doña Pepang Cemetery, Barangay Tejero, Cebu City noong ika-4 ng Agosto 2024.
Kinilala ni Police Major John Lynbert C Yango, Station Commander ng Police Station 3, Cebu City Police Office, ang High Value Individual na suspek na si “Eping”, 47 anyos, at residente ng Sitio Puntod, Barangay Mambaling, Cebu City.
Bandang 6:00 ng gabi ng ikinasa ng kapulisan ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkasabat ng 24 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 140 gramo at may Standard Drug Price na Php952,000, buy-bust money, at coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Cebu City PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga at anumang uri ng kriminalidad sa tulong ng mamamayan upang mapanatili ang maayos at payapang komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR