Arestado ng Marikina City Police Station ang tatlong drug personalities sa isinagawang buy-bust operation at nakumpiska ang malaking halaga ng shabu nito lamang Martes, Nobyembre 26, 2024.

Kinilala ni Police Colonel Villamour Q Tuliao, Officer-In-Charge ng Eastern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Lloyd”, 44 anyos at kinilalang High Value Individual (HVI), residente ng Marikina City; alyas “Lanie”, 41 taong gulang; at alyas “Jimmy”, 40 taong gulang mga kapwa residente ng Barangay Cupang, Antipolo City.
Ayon kay PCol Tuliao, nagsagawa ang Marikina CPS ng Intelligence built-up hinggil sa posibleng transaksyon ng pagbebenta/delivery (shabu) ng ilegal na droga sa pagitan ni alyas “Lloyd” at dalawang iba pa na magaganap sa nabanggit na address ni alyas “Lloyd”.
Dagdag pa, isang confidential informant ang nag-ulat sa tanggapan ng Marikina CPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at inilarawan ang pisikal at facial feature ng dalawang personalidad na maghahatid ng ilegal na droga na naging dahilan ng pagkakadakip ng mga suspek.
Nasamsam sa mga suspek ang humigit-kumulang 135 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php918,000 at iba pang non drug items.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“Isinasaalang-alang ang aming mga diskarte sa pagpapatupad ng batas upang sugpuin ang mga ilegal na droga at kriminalidad, kinikilala at hinihikayat namin ang kahalagahan ng bagong teknolohikal na panahon kung saan ang Tech-Based Policing at Cyber-Patrolling ay ginagamit bilang mga plataporma upang mapataas ang kahusayan sa pagtugon sa mga kriminalidad. Kaya naman, hinihimok namin ang komunidad na ganap na suportahan ang aming mga makabagong programa para sa amin” ani PCol Tuliao.
Source: EPD PIO