Nasabat ang tinatayang Php900,000 halaga ng smuggled na sigarilyo at naaresto ang dalawang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga otoridad noong Marso 3, 2026 sa Languyon, Barangay Baculin, Baganga, Davao Oriental.
Ayon kay Police Brigadier General Leon Victor Rosete, Regional Director ng Police Regional Office 11, naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Baganga Municipal Police Station at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Davao Oriental Provincial Field Unit.

Narekober sa operasyon ang 40 master cases na naglalaman ng 2,000 reams ng Walton 100s Menthol na brand ng smuggled na sigarilyo, na nakabalot sa puting sako.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Abdula” at alyas “Badul” at nahaharap sa paglabag sa Graphic Health Warnings Law.
“This operation highlights our continued commitment to enforcing special laws and preventing the distribution of illegal and unregulated products in the region. We assure the public that PRO 11 will remain proactive in safeguarding communities from unlawful activities,” ani RD Rosete.



