Vitali, Zamboanga City – Tinatayang nasa Php900,000 halaga ng smuggled cigarettes ang nasabat sa anti-smuggling operation ng Zamboanga PNP nitong Huwebes, Mayo 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director ng Police Regional Office 9, ang suspek na si Ajak Asalal Saliling.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 4:45 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Brgy. Vitali, Zamboanga City ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Station 1.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa suspek ang 30 boxes ng King Cigarettes na may tinatayang halaga na Php900,000 at isang white Isuzu Aluminum Van na may Engine No. 4GH1-762844 at Chassis No. NPR71L7424996 na rehistrado sa Automotive Center Corporation.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy ang kampanya laban sa kriminalidad at patuloy ang pagtugis sa mga taong may atraso sa batas.
Source: Zamboanga City Police Station 1
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz