Davao City – Tinatayang Php900,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng PNP sa Brgy. Catalunan Grande, Davao City, nitong Miyerkules, Mayo 11, 2022.
Kinilala ni PMaj Reuben Libera, Chief ng Special Operation Group/City Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na sina Jimson Richa Abaruez, 38, residente ng Upper Lacson, San Miguel, Brgy. Gumalang, Baguio District at Emmanuel Toquero Grancho, 48, residente ng Brgy. Tugana, Carmen, Davao del Norte at parehong tinaguriang Top 5 High Value Individual sa Regional Level.
Ayon kay PMaj Libera, naaresto ang mga suspek sa pinagsamang tauhan ng SOG/CDEU at Talomo Police Station matapos mahuli sa akto ng pagbebenta ng ilegal na droga.
Dagdag pa ni PMaj Libera, nakuha mula sa mga suspek ang dalawang malalaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 57.5 gramo at may tinatayang street market value na Php900,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Nasa kustodiya na ng nasabing istasyon ang mga suspek upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director, ang mga tauhan nito sa kanilang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga kung saan mas paiigtingin pa ng pamunuan ang mga operasyon sa pakikipagtulungan na rin ng mga mamamayan.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara