Davao City – Tinatayang Php900,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang suspek sa buy-bust operation ng Davao City ngayong Sabado, Marso 26, 2022.
Kinilala ni Police Major Jake Goles, Station Commander ng Sta Ana PS, ang suspek na si Arnulfo Ferraren Sefuentes alyas “Tata”, 47, residente ng Fatima Village, Bajada, Brgy. 19-B, Davao City at tinaguriang Top 4 High Value Individual Regional Level.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa R. Castillo St., Brgy. Lapu-Lapu, Agdao, Davao City ng pinagsamang tauhan ng Regional Special Operation Group-Regional Police Drug Enforcement Unit 11 (RSOG-RPDEU) at Sta Ana Police Station 1.
Ayon pa kay PMaj Goles, nakuha mula sa suspek ang isang medium size at isang malaking pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang 57 gramo at may street market value na Php912,000, at marked money na ginamit sa nasabing operasyon.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, lalo pang paiigtingin ng Police Regional Office 11 ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO 11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara