Saturday, May 17, 2025

Php900K halaga ng pekeng sigarilyo, nasabat ng Arayat PNP; 2 indibidwal, tiklo

Tiklo ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng Php900,000 halaga ng hinihinalang pekeng sigarilyo sa ikinasang checkpoint operation ng Arayat PNP sa Barangay Mapalad, Arayat, Pampanga.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas na “Gerald” ng Barangay Sta. Cruz, Lubao, Pampanga, at “Noel” ng Barangay Durungao, San Luis, Batangas nito lamang Mayo 14, 2025.

Ayon sa ulat ng Arayat Municipal Police Station, sinubukan pa umanong tumakas ng mga suspek gamit ang isang puting Nissan NV350 Urvan patungong Cabiao, Nueva Ecija, ngunit agad na nahabol at naaresto ng mga operatiba.

Narekober mula sa dalawang suspek ang 60 kahon ng sigarilyo na walang kaukulang dokumento, na may tinatayang kabuuang halaga na Php900,000.

Nabigo rin ang mga suspek na magpakita ng papeles na magpapatunay sa legalidad ng kanilang kargamento kaya agad inaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7394 o “Consumer Act of the Philippines”, Republic Act 8293 o “Intellectual Property Code of the Philippines”, at Republic Act 1937 o “Tariff and Customs Code of the Philippines”.

Pinuri naman ni Police Brigadier General Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO 3, ang mabilis at epektibong aksyon ng mga tauhan ng pulisya.

Ayon sa kanya, ang pagkakahuli sa mga suspek ay patunay ng mas pinatibay na kampanya laban sa mga iligal na produkto sa rehiyon.

Mas paiigtingin pa ng pulisya ang presensya sa mga lansangan at checkpoint katuwang ang mamamayan para tuluyang masugpo ang ganitong krimen.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles