Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php9,600,000 na halaga ng assorted smuggled na sigarilyo sa ikinasang Maritime Patrol Operation ng PNP Maritime Group at Zamboanga City PNP nito lamang, Miyerkules, Hunyo 22, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Franco Simborio, Regional Director, ang mga naarestong suspek na sina Edzar Aharaji, Jacob Alvarez, Aldimar Daniel, Rasdi Altalad, Juning Ibrahim, Samoudi Jamlul, Hussam Najir, Aluomar Asari, Almakrin Ayub, at Alnisar Jul.
Ayon kay PBGen Simborio, bandang 12:00 ng madaling araw nang mahuli ang mga suspek sa Manalipa Island, Lungsod ng Zamboanga sa pinagsanib na puwersa ng Zamboanga City PNP, PNP Maritime Group at Bureau of Custom-Region 9.
Habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng PNP Maritime Group ay namataan ang isang motorboat na may markang F/B Jamaica na mula sa sa Jolo, Sulu na naglayag papuntang Zamboanga Sibugay.
Ayon pa kay PBGen Simborio, nasabat sa mga suspek ang 275 Master cases at 32 reams ng Ford at walang maipakitang kaukulang papel at tinatayang nagkakahalaga ng Php9,600,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
###
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9