Narekober ang tinatayang Php9,405,000 halaga ng smuggled cigarettes sa ikinasang joint anti-smuggling operation sa Barangay Piksan, Calanogas, Lanao del Sur nito lamang ika-29 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Colonel Robert S Daculan, Provincial Director ng Lanao del Sur Police Provincial Office, ang mga suspek na si alyas “Al” at alyas “Nor”, residente ng Tugaya, Lanao del Sur.
Ayon kay PCol Daculan, naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Calanogas Municipal Police Station katuwang ang 64th Infantry Battalion, Philippine Army na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal at pagkakarekober ng 28,500 reams ng smuggled cigarettes na tinatayang nagkakahalaga ng Php9,405,000 at isang Isuzu Wing Van na ginamit sa transportasyon ng mga kontrabando.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o “An Act Modernizing the Customs and Tariff Administration” ang mga suspek.
Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa smuggling at ilegal na kalakalan sa bansa. Patuloy na pinapaalalahanan ng PNP ang publiko na makipagtulungan sa mga otoridad sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang mapigilan ang anumang uri ng iligal na aktibidad.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya