Benguet – Tinatayang nasa Php9,328,800 na halaga ng marijuana ang nadiskubre ng Benguet PNP sa apat na plantasyon sa Sitio Lococ, Brgy. Badeo, Kibungan, Benguet nito lamang ika-20 ng Mayo 2023.
Ayon kay Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, matagumpay ang nasabing operasyon sa pinagsamang puwersa ng 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company at Benguet Police Provincial Office.
Nadiskubre ng mga operatiba sa unang plantasyon ang 700 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants at 320 seedlings ng marijuana na may Standard Drug Price na Php152,800; sa ikalawang plantasyon nadiskubre ang 400 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php80,000; sa ikatlong plantasyon, nadiskubre ang 480 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may standard Drug Price na Php9,000,000; at sa ikaapat na plantasyon nadiskubre ang 480 piraso na may Standard Drug Price na Php96,000.
Sa kabuuan, ito ay nagkakahalaga ng Php9,328,800 na kaagad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng marijuana plants at walang nahuling marijuana cultivators.
Ang Benguet PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga at patuloy na magbibigay serbisyo publiko para sa kaayusan at kapayapaan ng nasasakupan.