Nakumpiska ang 1,780 rims ng iba’t ibang brand ng smuggled na sigarilyo na may tinatayang market value na Php890,000 sa isinagawang checkpoint operation sa QCP Brgy. Bagolibas, Aleosan, Cotabato, noong Nobyembre 19, 2021.
Ito ay resulta ng mabilisang aksyon ng pinagsamang operatiba ng Police Regional Office 12 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Alexander C Tagum, RD, PRO12, sa pangunguna ni PLtCol Aldrin Abila, OIC, RID12; CIDG 12; 1st CPMFC; CPPO-PIU; Pikit Municipal Police Station at Aleosan MPS at sa pakikipagkoordinasyon sa Bureau of Customs 12, sa natanggap na impormasyon, kung saan isang trak ng aluminum wing van na may plakang CAY 9336 na mayroong karga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na hinihinalang mula pa sa Malaysia ang bibiyahe mula Pikit, North Cotabato papuntang Zamboanga City via Pagadian City.
Arestado naman ang drayber na si Mark Barte Villarin, 37 taong gulang na residente ng Brgy. Talon-Talon Loop, Zamboanga City at dalawang (2) kasama nito na sina Gerald Falconite Vilalrin, 21 taong gulang na residente rin ng parehong lugar at Abdulhaber Maladia Mohammad, 18 taong gulang na residente naman ng Brgy. San Roque Zamboanga City, matapos mapag-alaman na walang sapat na dokumento ang mga kargang smuggled na sigarilyo.
Ang mga nahuling suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng Aleosan MPS para sa tamang disposisyon at para sa kaukulang kaso.
Source: Aleosan MPS
#####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera
Good job PNP!