Mabalacat City, Pampanga – Tinatayang Php884,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng PRO 3 nito lamang Miyerkules, Agosto 3, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Protom E Guevarra, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station, ang mga suspek na sina Jemaimah Datu y Guino, 31, HVI, residente ng Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga at si Sadam Bertudan y Laidan, 27, residente ng San Francisco St. Lourdes North, Angeles City.
Ayon kay PLtCol Guevarra, bandang 5:40 ng hapon nang naaresto ang mga suspek sa Quezon Drive Barangay Dau, Mabalacat City, Pampanga sa pinagsanib na puwersa ng Mabalacat City Police Station Drug Enforcement Unit at Regional Police Drug Enforcement Unit 3.
Ayon pa kay PLtCol Guevarra, narekober mula sa mga suspek ang nasa humigit kumulang 130 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php884,000, isang Php1,000 marked money, isang body bag, isang shoulder bag, isang android cellphone at isang digital weighing scale.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 26 at 11 ng Article II Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy pa rin ang ginagawang operasyon ng PNP para tuluyang mahuli ang mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga at maging malaya ang bansa sa ipinagbabawal na gamot na sumisira sa kinabukasan ng mamamayan lalo na ang mga kabataan.
Source: Mabalacat City Police Station
###
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera