Nueva Ecija – Tinatayang nasa Php879,240 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang buy-bust operation ng Nueva Ecija PNP sa Brgy. San Josef, Cabanatuan City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-20 ng Enero 2023.
Kinilala ni Police Colonel Richard Caballero, Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Fred”, 58, residente ng Brgy. Bantug, Bulalo, Cabanatuan City.
Ayon kay PCol Caballero, naaresto ang suspek bandang 8:00 ng gabi sa pinagsanib pwersa ng Cabanatuan City Police Station, Provincial Intelligence Unit at Provincial Police Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Nakumpiska sa suspek ang hinihinalang shabu na tinatayang 129.3 gramo na nagkakahalaga ng Php879,240; 25piraso ng Php1,000 bill bilang buy-bust money; isang cal. 45 armscor pistol at pitong bala.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Patuloy ang Nueva Ecija PNP sa pangangampanya laban sa ilegal na droga at paghuli sa mga lumalabag sa batas.
Source: Nueva Ecija Police Peovincial Office
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU 3