Cubao, Quezon City — Tinatayang 87.6 milyong halaga ng iba’t ibang klase ng ilegal na droga ang nasamsam sa buy-bust ng Quezon City Police District sa maglive-in partner nito lamang Miyerkules, Agosto 10, 2022.
Kinilala ni PBGen Remus Medina, QCPD Director, ang mga suspek na sina Riza Bilbao alyas “Riza”, 25, at Alvin Rapinian y Esteban na pawang mga residente ng Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.
Ayon kay PBGen Medina, naaresto ng mga suspek bandang 2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng 16th Ave., Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City ng pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit ng Cubao PS-7 at Masambong PS-2 ng QCPD.
Ayon pa kay PBGen Medina, isang Confidential Informant ang nagsumbong hingil sa illegal drug peddling activity ng mga suspek kung saan agarang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad sa nasabing lugar.
Nakumpiska mula kay Bilbao at Rapinian ang humigit-kumulang 1.5 kilo ng shabu na nagkakahalagang Php10,200,000; 85 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng Php10,200,000; 35 kilos ng high grade marijuana o kush na nagkakahalaga ng Php49,000,000; isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga din ng Php5,300,000; 7,594 piraso ng ecstacy na nagkakahalaga ng Php12,909,800; dalawang weighing scale; isang cellular phone; at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Medina ang mga operatiba ng PS 2 at PS 7 sa kanilang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga dahilan para maaresto ang mga suspek at makumpiska sa kanila ang malaking halaga ng droga.
Ani pa nya, “Binabalaan ko din ang publiko na huwag na huwag kayong gumawa ng mga ilegal na gawain lalo na ang ilegal na droga dito sa lungsod ng Quezon, dahil hindi kayo makakalusot sa amin.”
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos