Benguet – Tinatayang Php860,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinuog ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Bana, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Nobyembre 17, 2023.
Pinangunahan ang nasabing operasyon ng Kibungan Municipal Police Station katuwang ang mga tauhan ng Benguet 1st Provincial Mobile Force Company, Benguet PDEU/PIU, at PDEA-CAR

Matagumpay ang operasyon kung saan nadiskubre ang dalawang plantasyon na may nakatanim na 4,300 piraso ng mga Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php860,000.
Agad naman binunot at sinunog ng Benguet PNP ang nadiskubreng marijuana habang patuloy ang malalim na imbestigasyon upang mapanagot ang nasa likod ng pagtatanim sa ipinagbabawal na halaman na walang magandang dulot kundi ang pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at kaguluhan sa ating pamayanan.