Cebu City – Tinatayang nasa Php850,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cebu City PNP nito lamang Sabado, Hunyo 11, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador Tagle, Acting City Director ng Cebu City Police Office, ang suspek na si Jenelyn Pacaldo Alcuizar alyas “Eva”, 32, residente ng Spolarium St., Barangay Duljo Fatima, Cebu City.
Ayon kay PCol Tagle, naaresto si Alcuizar bandang 1:15 ng madaling araw sa B. Rodriguez, Barangay Sambag II, Cebu City ng mga operatiba ng City Intelligence Unit – Cebu City Police Office.
Ayon pa kay PCol Tagle, si Alcuizar ay kabilang sa High Value Individual sa Rehiyon Siete.
Dagdag pa ni PCol Tagle, nakuha mula sa suspek ang 10 sachet ng hinihinalang shabu na mahigit-kumulang 125 gramo at may tinatayang halaga na Php850,000, isang black and white na coin purse at buy-bust money.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.
Ang Cebu City Police Office sa pamumuno ni PCol Tagle ay hindi titigil na sugpuin ang mga personalidad na may kinalaman sa ilegal na droga upang sa gayon ay magkaroon ng isang mapayapa at ligtas na pamayanan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio