Iloilo City – Humigit kumulang 125 gramo ng suspected shabu ang nakumpiska sa isang High Value Individual sa inilunsad na buy-bust operation ng Iloilo City PNP sa Brgy. Nabitasan, Lapaz, Iloilo City bandang 1:15 kaninang umaga, ika-16 ng Hunyo 2023.
Ikinasa ang operasyan ng pinagsamang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ng Iloilo City Police Office at ng Iloilo City Police Station 2.
Kinilala ni Police Colonel Joeresty Coronica, City Director ng ICPO, ang nasakoteng drug suspek na si alyas “Toto”, 47, walang asawa, at residente ng Brgy. Patlad Sapa sa Dumangas, Iloilo.
Narekober sa posesyon ng subject person ang 11 pakete ng selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may halagang Php850,000, buy-bust money na Php18,000, isang weighing scale at cash proceeds na Php870.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Si alyas “Toto” ay dati ng naaresto sa buy-bust operation noong 2013 ngunit nakalabas ito nitong 2020 at nagbalik na naman sa pagbebenta ng ilegal na droga sa syudad ng Iloilo.
Ang Iloilo City PNP ay walang humpay sa kampanya kontra kriminalidad at handang hulihin ang mga taong may pananagutan sa batas.