Tinatayang Php816,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa dalawang naarestong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Coastal Road, Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-3 ng Disyembre 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Jayden C De Guzman, Acting Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Sam-Sam”, 32 anyos at si alyas “Dong RM”, 34 anyos, pawang residente ng lungsod.
Sa operasyon ay nakumpiska ang 11 na pakete na hinihinalang shabu na may bigat na nasa 120 na gramo na may Standard Drug Price na Php816,000, dalawang black coin purse, isang mobile phone, at Php 1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ayon sa mga awtoridad ang mga naarestong suspek ay dati na din naaresto sa parehas na kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Nananawagan naman ang PNP sa publiko na patuloy lamang na suportahan ang paglaban sa kampanya ng ilegal na droga para mapanatiling payapa at ligtas ang Northern Mindanao.