Butuan City – Nasabat ang nasa Php816,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation ng Agusan del Norte PNP nito lamang Huwebes, Agosto 25, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang nadakip na si Jessie Jumawon, 40, residente ng Purok 9, Sitio Tawilon, Brgy. Ambago, Butuan City.
Ayon kay PBGen Caramat Jr, bandang 7:45 ng umaga nang naaresto ang suspek sa P-8, Sitio Tinago, Brgy. Mabato, Agusan del Norte ng mga operatiba ng Regional Intelligence Division 13, Intelligence Unit ng Agusan del Norte Police Provincial Office, 1st Agusan del Norte Provincial Mobile Force Company at Buenavista Municipal Police Station.
Nakumpiska kay Jumawon ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 120-gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php816,000, 32 pirasong Php1000 bill na ginamit bilang buy-bust money, isang Vivo cellphone, isang itim na pouch, isang shade case, isang nakatuping papel na naglalaman ng iba’t ibang sukat ng supot at drug paraphernalia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang Agusan del Norte PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga at tinitiyak na mapapanagot ang sinumang sangkot upang mapangalagaan ang kinabukasan ng ating mga kabataan na ilayo sa salot at ilegal na droga.
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13