Cagayan de Oro City – Nasabat ang tinatayang Php816,000 halaga ng shabu sa dalawang naarestong suspek sa buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit-10 nito lamang Sabado, Hunyo 4, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina Isidro S Dela Peña (kabilang sa Directorate for Intelligence Watchlist), 41, residente ng Pinikitan, Camaman-an, Cagayan de Oro City at Jemar P Leopardas, 36, residente ng Old Road, Purok 7, Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Acorda, naaresto ang mga suspek sa Old Road, Purok 7, Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit-10.
Ayon pa kay PBGen Acorda, nakumpiska mula sa dalawang suspek ang anim na pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 120 gramo na may tinatayang halaga na Php816,000.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Our police are nonstop in eliminating the drug menace in this region as our campaign on the anti-illegal drug operations continue. Sisiguraduhin natin na hindi magsusustain ang kanilang mga ilegal na gawain”, pahayag ni PBGen Acorda.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz