Tinatayang Php800,000 halaga ng Fully Grown Marijuana Plants ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-24 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Colonel Gilbert Fati-ig, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng mga pulisya at PDEA sa pangunguna ng Tinglayan Municipal Police station, Kalinga Police Provincial Office, PDEU, RMFB 15, 1st at 2nd Kalinga PMFC at PNP DEG SOU CAR.
Nagresulta ang operasyon sa pagkadiskubre ng plantasyon ng marijuana na may tinatayang sukat na 400 square meters at may nakatanim na mahigit kumulang 4,000 pirasong Fully Grown Marijuana Plants na may kabuuang halaga na Php800,000 Standard Drug Price.
Bagama’t walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Patuloy ang Benguet PNP sa pagpuksa sa ilegal na droga na sumisira sa magandang kinabukasan ng ating mga kabataan at ugat ng iba’t ibang karahasan at terorismo sa ating bayan.
Patrolwoman Charlyn Rose B Gumangan