Kalingalan Caluang, Sulu (January 23, 2022) – Nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng Sulu Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion Basulta, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Marines, Criminal and Investigation Detection Group IX, Regional Intelligence Unit IX, National Intelligence Coordinating Agency IX, at Special Action Force ang 10,000 fully-grown Marijuana Plants na nagkakahalaga ng Php8,600,000 sa isinagawang law enforcement operation sa Brgy. Masjid Bayle, Kalingalan Caluang, Sulu noong Enero 23, 2022.
Kinilala ng Sulu Police Provincial Office sina alyas “Jabs” at alyas “Aksan” na nakaiwas sa pag-aresto, sila ay kabilang sa mga nagsasaka sa 10,000 square meters na plantasyon ng marijuana.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay sinunog sa lugar ng operasyon at ang sample evidence ay isinumite sa Sulu Provincial Crime Laboratory Office.
Bukod dito, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek sa paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Pinuri ni PBGen Eden Ugale, Regional Director, PRO BAR, ang operating units sa kanilang pinaigting na anti-illegal drug operations para mapuksa ang ilegal na droga. Bukod dito, mananatiling walang humpay ang PRO BAR sa kampanya nito laban sa ilegal na droga at kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon ng Bangsamoro.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden C. Corpuz III
Saludo s mga alagad ng batas
Congratulations to your accomplishment sirs #YeamSuluPNP