Binunot at sinunog ng mga awtoridad ang nagkakahalagang Php8.4 milyong Fully Grown Marijuana Plants matapos ang dalawang araw na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Kalinga Police Provincial Office kasama ang lokal na pulisya sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga nito lamang ika-3 at 4 ng Hunyo 2025.
Ang 42,000 Fully Grown Marijuana Plants na natuklasan ay may sukat na humigit-kumulang 2,800 metro kuwadrado.
Lahat ng mga halaman ay binunot at sinunog sa nasabing lugar.
Samantala, walang nadatnan at nahuling cultivator sa araw ng operasyon. Gayunpaman, patuloy ang Pambansang Pulisya at iba pang ahensya sa pagpapaigting sa pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot habang pinapanatili ang pagtiyak sa proteksyon ng mga karapatang pantao.
Panulat ni PMSg Lhenee B Valerio