Cebu City – Umaabot sa mahigit Php8 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga miyembro ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7 sa tatlong drug suspek na nadakip sa buy-bust operation sa E. Sabellano St. Brgy. Pardo, Cebu City noong Lunes, Mayo 22, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jomar Dela Cerna, Chief RPDEU 7, ang mga naaresto na si “Anthony”, 31, residente ng Sitio Kimba, Brgy. San Roque, Talisay City; “Archie”, 38, residente ng Purok Sayaw, Brgy. San Roque, Talisay City; at “Amid”, 42, residente ng Sitio San Roque, Brgy. Mambaling, Cebu City.
Ayon kay PLtCol Cerna, dakong alas-10:20 ng gabi ng arestuhin ang mga suspek matapos makatransaksyon at makabili mula sa mga ito ng droga ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.
Nasabat sa operasyon ang nasa 1.225 kilo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php8,330,000.
Maliban sa mga naturang droga ay narekober din ang isang itim na bag na ginamit na lagayan ng droga, isang unit ng Real Me android Cellphone, at buy-bust money.
Nahaharap sa patung-patong na kaso kaugnay sa droga ang mga naaresto.
Pahayag naman ng Regional Director ng Police Regional Office 7, Police Brigadier General Anthony Aberin, na ang pagkakaaresto ng mga kinilalang drug personalities ay malaking kabawasan sa illegal drug activities sa mga naturang lugar.
Dahil dito, muling pinuri rin ni PBGen Aberin ang husay at dedikasyon ng grupo sa likod ng matagumpay na operasyon.
“I commend with pride the relentless, tedious, and unwavering commitment of RPDEU to reduce to a significant level the illegal drug supply in Central Visayas, aligned with the BIDA Program of SILG Atty Benjamin Abalos Jr and the Chief PNP’s 5-Focused Agenda!” saad nito.