Tinatayang nasa Php8.2 milyong halaga ng smuggled cigarettes ang nadiskubre ng mga awtoridad sa COMELEC Checkpoint sa Barangay New Cuyapo, Tantangan, South Cotabato nito lamang ika-15 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Brigadier General Arnold P Ardiente, Acting Regional Director ng Police Regional Office 12, ang driver at ang kanyang mga kasama na sina alyas “Ricky”, 28 taong gulang, alyas “Charles”, 29 taong gulang, at alyas “Antonio”, 23 taong gulang, pawang residente ng General Santos City.
Ayon kay PBGen Audience, habang isinasagawa ang COMELEC Checkpoint sa pakikipagtulungan ng Tantangan MPS, 1st at 2nd PMFC, PIU, at PDEU, all of SCPPO; RID 12 and CIDG 12, isang itim na dump truck para sa inspeksyon ay may kahina-hinalang kargamento ang sasakyan at nang suriin ang laman ng dump truck ay tumambad ang mga kahon ng Y20 at DOU cigarettes na may standard value na Php8,216,100.
“Ang pag-aresto sa tatlong smuggler at ang pagsamsam sa mga smuggled cigarettes ay nagpapakita ng ating pangako na itaguyod ang batas at pangalagaan ang seguridad ng ating komunidad. Ipagpapatuloy natin ang ating walang humpay na pagsisikap na labanan ang ipinagbabawal na gawain at tiyakin na mananagot ang mga may kagagawan,” saad ni PBGen Ardiente.