Imus City, Cavite – Tinatayang Php7,044,000 na halaga ng shabu ang nasabat sa dalawang suspek sa isinagawang joint operation ng CALABARZON at MIMAROPA PNP sa Imus City, Cavite nito lamang Sabado, Nobyembre 12, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang dalawang suspek na sina alyas “Mocsie”, 38, walang trabaho at alyas “Almira”, 30, online seller at pawang mga residente ng Poblacion 7, Cotabato City.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr, bandang 7:20 ng gabi naaresto ang dalawang suspek ng mga pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, Special Operation Unit 4B, Imus City Police Station, Regional Drug Enforcement Unit 4A at Provincial Drug Enforcement Unit 4A.
Narekober sa dalawang suspek ang 37 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php7,044,000 na nakasilid sa styro box, isang plain brown paper bag na naglalaman ng 10 bundles ng boodled money na nagkakahalaga ng Php1,000,000, isang yellow green tickler, dalawang unit ng iPhone, isang pink pouch na naglalaman ng assorted cards at assorted remittance receipt.
Nahaharap ang dalawang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang tagumpay ng PNP laban sa ilegal na droga ay bunga ng pinaigting na suporta at pakikipagtulungan ng mamamayan para sa pananatili ng maayos at ligtas na komunidad.
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU 4A