Nakumpiska ang Php795,600 halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Iligan City PNP sa Purok Greenfields, Barangay Ubalda Laya, Iligan City nito lamang April 4, 2025.
Ang naturang operasyon ay pinangunahan ng mga operatiba ng Iligan City Police Station 4 katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency 10.
Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na isang alyas “Jam”, 20 anyos, at residente ng nasabing lugar.
Nakumpiska mula sa suspek ang 117 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na Php795,600 at iba pang mga paraphernalia.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pagpapaigting ng kampanya kontra iligal na droga para sa pagpapanatili ng seguridad at kaligtasan ng nasasakupan.