Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php784,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Miyerkules, June 20, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang tatlong suspek na sina Anastacio Hementiza y Dela Cruz alyas “Jun”, 62, residente ng 148 Upper Sto. Niño, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal; Jeffrey Esguerra y Vergin alyas “Jeff”, 47, residente ng 173 Blk 55 Lot 10, Sitio Maligaya, Brgy. San Isidro, Antipolo City, Rizal at Rodel Dizon y Mendoza alyas “Del”, 41, residente ng 03 Upper Sto. Niño, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, naaresto ang tatlong suspek bandang 12:20 ng madaling araw sa Sitio Gumamela 1, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit-Rizal.
Ayon pa kay PCol Baccay, nakumpiska sa tatlong suspek ang 32 pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 110 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php784,000, isang pirasong maliit na wallet kulay itim, isang pirasong maliit na pink wallet, isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money, at limang pirasong Php100 bill bilang boodle money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang tatlong suspek.
Ang Rizal PNP sa pamumuno ni Police Colonel Dominic Baccay ay patuloy sa operasyon laban sa ilegal na droga at iba pang krimen upang mapanatili ang maayos at ligtas na komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office-PIO
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio