Tinatayang Php780,000 halaga ng marijuana ang sinunog ng Benguet PNP sa Sitio Baliw-ang at Sitio Bayakew, Tacadang, Kibungan, Benguet nito lamang Pebrero 25, 2025.
Ayon kay Police Colonel Joseph P Bayongasan, Provincial Director ng Benguet Police Provincial Office, naging matagumpay ang operasyon sa pagsisikap ng pinagsanib na pwersa ng mga operatiba sa pangunguna ng Benguet 2nd Provincial Mobile Force Company, katuwang ang Kibungan MPS, Benguet Police Provincial Office, Provincial Drug Enforcement Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkadiskubre ng tinatayang 3900 piraso ng Fully-Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price na Php780,000.


Bagamat walang nahuling cultivator, lahat ng nadiskubreng marijuana ay naidokumento at sinunog sa mismong lugar.
Pinuri naman ni PCol Bayongasan ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at patuloy ang pagsuporta sa isinusulong ng Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na Whole-of-Nation Approach na kinakailangan para maging illegal drug free ang ating bansa.
Panulat ni Pat Charlyn Rose Gumangan