Nasamsam ang tinatayang Php750,000 halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Banaybanay Municipal Police Station at Highway Patrol Group 11 sa Boarder Control Point ng Banaybanay, Davao Oriental nitong Marso 8, 2025.
Kinilala ni Police Captain Bryan G Conson, Officer-In-Charge ng Banaybanay Police Station, ang suspek na si alyas “Efren”, 27 anyos, isang OFW at residente ng Barangay Conception, Asuncion, Davao del Norte.
Dagdag pa, umaga pa lamang ay nagsagawa na ng joint continues operation kaugnay sa anti-carnapping at anti-smuggling ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkahuli ng isang transformer van na may 15 box ng iba’t ibang brand na kontrabando.
Sa pamamagitan ng ganitong mga operasyon, ay naipapakita ng PNP ang malasakit at responsibilidad ng mga awtoridad sa pagpapalaganap ng isang malinis at maayos na kalakalang legal, na tumutulong hindi lamang sa ekonomiya kundi pati na rin sa proteksyon ng kalusugan at kaligtasan ng publiko.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino