Friday, February 28, 2025

Php748K halaga ng shabu, nasabat sa buy-bust ng NPD

Arestado ng mga operatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit ang isang High Value Individual (HVI) at tatlo pang suspek sa ikinasang Anti-Illegal Drug Operation na humantong sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang 110 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php748,000 nito lamang Biyernes Pebrero 28, 2025 bandang 1:20 ng madaling araw sa No. 30 Espiritu St., Barangay Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ni Police Colonel Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Bossy”, isang 20-anyos; alyas “Johaira”, 38-anyos; alyas “CJ”, 22-anyos; at alyas “John”, 20 anyos.

Nakumpiska sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, isang itim na sling bag, IDs, mga pakete ng pinaghihinalaang shabu at ang mga pera na ginamit sa transaksyon.

Sasampahan naman ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilala  bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang mga naarestong suspek.

Pinagtibay naman ng operasyong ito ang hindi natitinag na tungkulin ng NPD na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na droga, tinitiyak ang kaligtasan ng publiko at itaguyod ang panuntunan ng batas. Hinihimok ng NCRPO at NPD ang publiko na manatiling mapagmatyag at ipagpatuloy ang kanilang suporta sa shared mission na lumikha ng mas ligtas at mas secure na Metro Manila.

Source: NPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,420SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles