ParaƱaque City ā Tinatayang nasa Php748,000 halaga ng shabu ang narekober sa tatlong suspek ng mga operatiba ng ParaƱaque City Police Station sa isinagawang buy-bust operation nito lamang Biyernes, Agosto 25, 2023.
Kinilala ni PCol Reycon Garduque, Officer-In-Charge ng Paranaque CPS, ang mga suspek na sina alyas āAlasā, 39; alyas āJohnnyā, 52, at alyas āNoelā, 26.
Ayon kay PCol Reycon Garduque, nangyari ang nasabing operasyon na pinangunahan ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng ParaƱaque CPS, bandang 2:30 ng madaling araw sa Hontiveros Compound 4th Estate Subdivision Barangay San Antonio, ParaƱaque City.
Nasamsam sa mga suspek ang labing isang head-sealed transparent plastic sachet na pinaghihinalaang shabu na humigit kumulang 110 gramo ang bigat at may Standard Drug Price (SDP) na Php748,000; isang tunay na Php1,000 na may kasamang Php500 boodle money na ginamit bilang buy-bust money; at isang berde na belt bag.
Reklamo para sa paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11, Art. II ng R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.
Pinuri naman ni PBGen Jose Melencio C Nartatez, Jr, Acting Regional Director ng NCRPO, ang mga operatiba at ang matagumpay na operasyon para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa paglaban sa ilegal na droga.
Source PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos