Pampanga – Tinatayang Php748,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng Magalang PNP sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Jose, Magalang, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-13 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Romeo Castro, Acting Chief of Police ng Magalang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jennifer”, 37 anyos, High Value Individual, residente ng Cutud, Angeles City.
Naging matagumpay ang naturang operasyon sa pagkakakumpiska ng Php748,000 halaga ng shabu na tumitimbang ng 110 gramo, isang cellular phone, isang red na pouch, at buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng Magalang PNP ang patuloy na pagpapaigting laban sa kriminalidad at pagsugpo sa paglaganap ng ilegal na droga sa kanilang nasasakupan.
Source: Magalang Municipal Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera