Cagayan de Oro City – Kumpiskado ang tinatayang Php748,000 halaga ng shabu sa dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng City Drug Enforce Unit at City Intelligence Unit ng Cagayan de Oro City Police Office sa 9th-22nd Street, Brgy. Nazareth, Cagayan de Oro City nito lamang Mayo 11, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ali”, 26, residente ng Saguiran, Lanao del Sur; at si alyas “Carlos”, 25, at residente ng nabanggit ng lugar.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 110 gramo na nagkakahalaga ng Php748,000, isang mobile phone, at isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“The aggressive stance of PRO 10 in the campaign against illegal drugs is continuous without let-up. Through the collaborative effort of PNP, other agencies, LGUs, and community, we will not stop in pursuing those illegal drug peddlers until all of them are placed behind bars,” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10