Tinatayang Php741,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang High Value Individual (HVI) sa buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Martes, Hulyo 26, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang dalawang suspek na sina Danilo Policarpio y Valenzuela alyas “Boyo” at Errol Fadri y Dela Cruz alyas “Mickey” pawang mga residente ng Taytay, Rizal.
Ayon pa kay PCol Baccay, bandang 5:20 ng umaga naaresto ang dalawang suspek sa kahabaan ng Cabrera Road, Brgy. Dolores, Taytay, Rizal ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit ng Rizal.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang dalawang heat-sealed plastic sachets, dalawang plastik ng yelo na nakatali na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 109 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php741,000, dalawang motorsiklo na kulay pula at itim, isang pouch, isang Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at isang Php500 bill.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Repubilic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“Ang sunod-sunod na pagkakaaresto sa mga suspek ay isang patunay na hindi kayo magtatagumpay sa masasamang gawain lalo na sa Lalawigan ng Rizal dahil laging nakahanda ang PNP Rizal para magbigay ng serbisyo at proteksyon sa mamamayan kaakibat ang “Team Effort at Kalingang Rizal PNP,” pahayag ni PCol Baccay.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon