Tuesday, April 1, 2025

Php732K halaga ng shabu, nakumpiska ng Taguig PNP; HVI, arestado

Arestado sa buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Taguig City Police Station ang isang High Value Individual at nakumpiskahan ng Php732,652 halaga ng hinihinalang shabu dakong 9:30 ng gabi sa Panay Street, Barangay Piojo, Taguig City nito lamang Miyerkules, Marso 26, 2025.

Kinilala ni Police Brigadier General Manuel Abrugena, District Director ng Southern Police District, ang naarestong suspek na si alyas “Mico,” 30 anyos, may-asawa, walang trabaho, at residente ng No. 329 Panay Street, Barangay Piojo, Taguig City.

Pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang operasyon na humantong sa pagkakakumpiska ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachets at isang knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu; isang digital weighing scale; isang Php500 bill at limang Php1,000 boodle money bills na ginamit sa buy-bust; isang kahon ng sigarilyo, isang stick ng Marlboro Red, isang lighter, at isang nakatuping maruming puting papel.

Ang bigat ng nakuhang hinihinalang shabu ay 107.89 gramo na may Standard Drug Price (SDP) na Php732,652.

Inihahanda naman ang mga kaso laban kay alyas “Mico” para sa paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

“Ang tagumpay ng operasyong ito ay patunay ng ating walang tigil na kampanya laban sa ilegal na droga. Hindi natin hahayaang sirain ng mga sindikato ang ating komunidad. Patuloy ang Southern Police District sa pagsusumikap na sugpuin ang ilegal na droga, at hinihikayat namin ang publiko na maging mapagmatyag at agad na iulat ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” pahayag ni PBGen Abrugena.

Source: SPD PIO

Panulat ni PMSg Remelin M Gargantos

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,480SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles