Baguio City – Tinatayang Php720,000 halaga ng marijuana ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng mga kapulisan nito lamang Miyerkules, Marso 30, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Ronald Lee, Regional Director, Police Regional Office Cordillera, ang mga suspek na sina Genesis Pagaduan, 23, residente ng Block 6, Lot 19, Bakakeng Norte-Sur, Baguio City, tubong Tabuk City, Kalinga at isang menor de edad na lalaki, estudyante, residente ng Atok Trail, Loacan, Baguio City.
Ayon kay PBGen Lee, bandang 5:00 ng hapon naaresto ang mga suspek sa Eagle Crest, Phase 1, Bakakeng Norte/Sur, Baguio City ng pinagsanib na puwersa ng Baguio City Police Office-Police Station 10, City Intelligence Unit, Philippine Drug Enforcement Agency RSET (Baguio City) at Philippine Drug Enforcement Agency Benguet.
Ayon pa kay PBGen Lee, nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na bricks na binalot ng transparent tape na naglalaman ng mga tuyong tangkay at dahon ng pinaghihinalaang marijuana na may kabuuang timbang na 6 kilogram at nagkakahalaga ng Php720,000 at isang bugkos na boodle money.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay mas pinapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga katuwang ang komunidad tungo sa mas maunlad at mapayapang bansa.
###
Patrolwoman Febelyne C Codiam
Tagumpay saludo tayo s mga kapulisan
Good job