Nasabat ang tinatayang Php716,000 halaga ng shabu mula sa isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon PNP nito lamang Biyernes, Abril 4, 2025 sa P. Aquino Avenue, Barangay Tonsuya, Malabon City.
Kinilala ni Police Brigadier General Josepino Ligan, District Director ng Northern Police District, ang suspek na si alyas “Negra” (Pusher/Listed) (HVI), 44-anyos at residente ng Malabon City.
Nasamsam mula sa suspek ang isang medium heat-sealed na plastik at isang knot-tied na plastik na parehong naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may bigat na 105.3 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na Php716,040 at iba pang non-drug evidence.
Pinuri ni PBGen Ligan ang Malabon City Police Station sa kanilang dedikasyon, maayos na pagpaplano, at mabilis na aksyon. Patuloy ang pangako ng NPD sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad at sa pagtugis sa mga sangkot sa ilegal na aktibidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PMSg Gargantos, RM